-- Advertisements --

Kinondina ni Pope Francis ang mga nangyayaring “slavery” at “torture” sa kampo ng migrants.

Ito ang naging laman ng kaniyang mensahe sa misa na isinagawa niya sa Nicosia ang capital ng Cyprus.

Inihalintulad niya ang mga nagaganap na hindi magandang pagtrato sa mga migrants noong Worl War II.

Kaya aniya niya ibinunyag dito ay dahil trabaho niya na imulat ang mata ng karamihan sa nangyayari sa mga migrants.

Makailang beses na kasi nito nakasalamuha ang mga migrants mula Iraq, Sri Lanka at Cameroon kung saan inaasahan na dadalhin niya sa Vatican ang 50 migrants.

Isusunod na tutunguhin ni Pope Francis ang Greece ang itinuturing na lugar ng maraming mga migrants.