-- Advertisements --
Kinondina ni Pope Francis ang pansariling interest ng mga bansa sa Europa sa pagtrato nila sa mga migrants.
Sa kaniyang talumpati sa pagbisita nito sa Lesbos, Greece, hinikayat nito ang mga bansa na dapat pagtuunan ng pansin kung ano ang pinagmumulan ng mga pagdami ng mga migrants.
Hindi rin nito pinaglampas na batikusin ang mga bansa na nagtayo ng mga pader o harang para hindi makapasok ang mga tao.
Pagdating kasi ng Santo Papa sa Greece ay tinungo niya ang lugar kung saan inilagay ang mga migrants.
Paliwanag naman ni Greek President Katerina Sakellaropoulou na hindi lamang ang Greece ang may responsibilidad ng mga migrants at sa halip at lahat ng mga bansa.