-- Advertisements --
Kinondina ni Pope Francis ang pagkamatay ng black American na si George Floyd sa kamay ng mga kapulisan ng Minneapolis.
Ayon sa Santo Papa na isang kalunos-lunos ang nasabing pagkasawi ni Floyd.
Ipinagdarasal din nito ang nasawi dahil sa racism na nagaganap.
Dagdag pa nito na hindi dapat kinokonsinte at magbulag-bulagan ang lahat sa nangyayaring racism at dapat ay ipagtanggol ang kahalagahan ng bawat buhay ng tao.
Iginiit na walang mapapala ang lahat sa kaguluhan at lahat ay talo.
Magugunitang dahil sa pagkasawi ni Floyd ay nagsagawa ng malawakang kilos protesta sa US.