-- Advertisements --
Kinondina ni Pope Francis ang pagkulong sa mga migrants sa Libya.
Ayon sa Santo Papa, na hindi makatarungan ang ginawang pananakit at pag-torture sa mga migrants.
Ang nasabing pahayag ay kasunod ng mahigit na 5,000 na refugees at migrants ang ikinulong sa 19 official detention facilities sa Libya na kontrolado ng mga armadong grupo.
Ayon pa sa Santo Papa na dapat seryosohin ng gobyerno ang pagpapalaya sa mga nakakulong ng migrants at gumawa ng tamang hakbang para matulungan ang mga ito.