-- Advertisements --
Kinondina ni Pope Francis ang pagpatay ng mga Israeli snipers sa babae at ina nito habang nasa loob ng Holy Family Parish sa Gaza.
Sinabi ng Santo Papa na isang nakakalungkot ang nasabing balita.
Ayon pa sa Latin Patriarchate of Jerusalem na siyang nangangasiwa ng Catholic churches sa Cyprus, Jordan, Israel, Gaza at Palestinian territories, na mula ng sumiklab ang kaguluhan noong Oktubre 7 ay nagtago sa mga simbahan ang karamihang mga Christian families.
Magugunitang makailang beses ng nanawagan ang Santo Papa sa Israel na tigilan na ang pag-atake sa Gaza dahil sa dami ng mga sibilyan na ang nadadamay.