-- Advertisements --

Labis ang pasasalamat ni Pope Francis sa mga suporta at dasal na kaniyang natatanggap na “well wishers” matapos ang kaniyang operasyon sa large colon.

Sinabi ng 84-anyos na Santo Papa na hindi niya maipaliwanag ang kaligayahan sa dami ng mga nagdasal para sa mabilisan nitong paggaling.

Ayon naman kay Vatican spokesman Matteo Bruni na kumakain na ang Santo Papa at hindi na kailangan ang “infusion therapy”.

Magugunitang sumailalim sa symptomatic diverticular stenosis of the colon ang Catholic Pontiff nitong nakalipas na Linggo.