-- Advertisements --

Nagpaabot ng pakikiramay si Pope Francis sa arsobispo ng New Orleans na si Archbishop Gregory Aymond dahil sa nangyaring pagsagasa sa mga tao na ikinasawi ng 14 na biktima..

Ayon kay Vatican secretary of state Cardinal Pietro Parolin na labis na nalungkot ang Santo Papa sa nasabing pangyayari.

Ipinarating din nito ang pagdarasal sa mga pamilya ng biktima.

Magugunitang itinuturing ng mga otoridad na isang uri ng terorismo ang nasabing pangyayari.