-- Advertisements --
Mapapatagal pa ang pananatili ni Pope Francis sa pagamutan.
Ayon sa Vatican, na nakitaan ng “”polymicrobial infection” sa kaniyang respiratory tract ang 88-anyos na Santo Papa.
Dagdag pa ng Vatican na dahil sa nasabing sakit ay inirekomenda ng doctor na manatili ng ilang araw sa Gemelli hospital sa Rome ang Santo Papa.
Magugunitang noong nakaraang Biyernes ay dinala ang Santo Papa sa pagamutan dahil sa bronchitis.
Siniguro naman ni Vatican spokesman Matteo Bruni na nasa magandang kalagayan ang Santo Papa at lahat ay ginagawa ng mga doctor para sa mabilisan nitong paggaling.