Maayos na umano ang kalagayan ni Pope Francis matapos na sumailalim ito sa intestinal surgery.
Una nang dinala sa ospital ang 84-anyos na Santo Papa para sumailalim sa operasyon pero hindi naman ito makokonsiderang nasa emergency situation.
Sa statement ng Vatican spokesman na si Matteo Bruni, maganda umano ang pagresponde ng Papa sa surgey.
Ang operasyon kay Francis ay may kaugnayan sa tinatawag na “surgery for symptomatic diverticular stenosis of the colon.”
Nagiging dahilan daw ito ng pananakit, kung saan ang kondisyon ay maaring magdulot daw ng “bloating, inflammation” at hirap sa pagbabawas na kadalasan ay nakakaapekto sa mga may edad na.
Ang operasyon kay Pope Francis ay isinagawa ng 10-miyembro ng medical team sa Catholic-run na Gemelli hospital and medical school sa northern part ng Roma sa Italya.