Magiging abala ngayong araw si Pope Francis sa pagbisita niya sa bansang Singapore.
Nitong hapon kasi ng Miyerkules ng dumating sa Singapore ang Santo Papa para sa panghuling 12-araw na paglalakbay sa Southeast Asia at Oceania.
Ilan sa mga nakalinyang aktibidad nito ay ang pagsasagawa ng pulong sa mga opisyal ng Singapore ganun din sa mga religious lider ng Singapore.
Nakatakdang talakayin din dito ang paglaban sa Climate Change ganun din ang hindi pantay na pamamahagi ng yaman.
Inasahan din na dadaluhan ng mahigit 50,000 na mga katao na ang iba ay bumiyahe pa galing ng Hong Kong ang gagawin niyang misa.
Magugunitang galing na sa Jakarta, Indonesia, Papua New Guinea at Timor Leste ang Santo Papa sa itinuturing ng Vatican na pinakamahabang biyahe ng isang Santo Papa.