-- Advertisements --

Pangungunahan ni Pope Francis ang Angelus Prayer sa araw ng Linggo kahiti na ito ay nasa pagamutan sa Roma.

Ayon kay Vatican spokesman Matteo Bruni na gagawin ng Santo Papa ang pagdarasal sa ika-10 palapag ng A. Gemeli University Hospital.

Magugunitang nitong Linggo ay inoperahan sa kaniyang large colon ang 84-anyos na santo papa.

Patuloy aniya itong nagpapagaling at inaasahan na makakalabas na sa pagamutan sa mga susunod na araw.