-- Advertisements --
Mainit ang naging pagtanggap kay Pope Francis pagdating nito sa Papua New Guinea.
Mula sa Indonesia ay dumiretso ito sa nasabing bansa para sa kaniyang 12-araw na paglilibot sa Southeast Asia at Oceania.
Dumating ang Santo Papa sa Port Moresby ang capital ng Papua New Guinea kung saan maglalagi siya doon ng tatlong araw.
Sinalubong siya ni Deputy Prime Minister John Rosso at senior members ng Simbahang Katolika.
Nakaabang ang mga bata kung saan binigyan siya ng mga regalo bago pinatugtog ang anthem ng Vatican.
Matapos ang maikling seremonya sa paliparan ay nagtungo na ang Santo Papa sa Vatican embassy at mamamahinga.
Inaasahan na magkakaroon ito ng mga pulong at misa sa mga susunod na araw.