-- Advertisements --
Makalalabas na ng ospital si Pope Francis ngayong Linggo at kinakailangan nitong magpahinga sa loob ng dalawang buwan sa Vatican, ayon sa mga doktor na gumagamot sa kanya.
Na-admit si Pope Francis sa ospital noong araw ng mga puso, Pebrero 14, dahil sa severe respiratory infection.
Sinabi ng doktor na si Sergio Alfieri na makalalabas na ng ospital si Pope Francis ngayong Linggo at babalik sa Saint Martha’s House sa Vatican, kung saan mayroon si Pope Francis na residential suite.
Sinabi rin ng isa pang doktor na si Luca Carbone na bumubuti na ang kalusugan ng santo papa.
Umaasa si Carbone na maipagpatuloy na sa lalong madaling panahon ni Pope Francis ang kanyang mga normal na aktibidad.