-- Advertisements --
Patuloy ang pagiging stable ng lagay ng kalusugan ni Pope Francis.
Ayon sa Holy See Press Officen na kahit na bumubuti ang lagay ng kalusugan ng 88-anyos na Santo Papa ay mananatili pa rin ito sa pagamutan.
Nakibahagi rin ang Santo Papa sa virtual na sessions ng Curia spiritual exercises.
Naging maganda rin ang responde ng katawan ng Santo Papa sa pharmacological therapy.
Dahil dito ay tinanggal na ng mga doctor ang pagbabantay sa prognosis nito.
Magpapauloy din aniya ang kanilang gagawing pharmacological treatment.
Ang Roman Curia’s Spiritual Exercises ay ginanap kada taon na nagsimula nitong Linggo ng hapon sa Paul VI Hall na pinangunahan ni Fr. Roberto Pasolini ang Preacher of the Papal Household.