-- Advertisements --

Pangungunahan ni Pope Francis ang kauna-unahang Aguinaldo Mass para sa mga Filipino Community sa Rome sa darating na Disyembre 15.

Ayon sa Catholic Bishop Conference of the Philippines (CBCP), gaganapin ito sa St. Peter’s Basilica sa Vatican ng 10:30 p.m. oras sa Pilipinas.

Sinabi ni Scalabrinian Fr. Ricky Gente ng Filipino Chaplaincy sa Rome na ito na ang pang-apat na taon na ipinagdiriwang sa basilica at unang beses na gagawin ng Santo Papa.

Limitado lamang sa hanggang 7,500 na mga churchgoers ang misa dahil sa ito lamang ang kaya ng basilica.

Makikibahagi ang nasa 150 na pari kabilang na si Cardinal Vicar Angelo de Donatis, Vicar ng Rome at Fr. Leonir Chiarllo ang namumuno sa Scalabrinians sa buong mundo.