Nagpaalala ang Manila Cathedral sa imbitasyon ni Pope Francis para sa “Worldwide Rosary.”
Ang naturang inisyatiba ay nagmula mismo sa Santo Papa para makabuo ng nonstop chain of prayer kung saan ang wordwide holy rosary ay magaganap alas-9:00 mamayang gabi at sa bawat time zone ng mga bansa.
Nag-imbita naman ang Manila Cathedral sa lahat, sa bawat pamilya na sama-samang magdasal para sa paggaling ng mundo at proteksiyon laban sa coronavirus.
Personal ding makikibahagi si Pope Francis sa pagdarasal ng buong Italya na siya ngayong itinuturing na epicenter dahil sa dami ng mga biktima ng COVID-19.
“Later at 9:00pm, we will be joining the initiative of Pope Francis to recite the Rosary together. The idea is to have a nonstop chain of prayer, so at 9:00pm in every time zone, the Rosary will be prayed. Don’t forget to ready your altar and rosaries, and together as one family at home, we pray for healing and protection for the world,” bahagi nang imbitasyon ng Manila Cathedral sa kanilang FB page.