-- Advertisements --

Muling kinondena ni Pope Francis ang nangyayaring mas tumitinding digmaan ngayon sa Ukraine dahil sa paglusob ng Russia.

Matapang na ipinahayag ito ng santo papa sa kanyang Angelus sa harap ng libu-libong tao sa St. Peter’s Square at sinabing dapat na matigil na ang hindi katanggap-tanggap na armadong pagsalakay.

Tinukoy din ng Papa na barbaric at walang balidong estratehikong dahilan ang pagpatay sa mga bata at hindi armadong sibilyan.

Habang tinawag naman niyang “martyred city” ang kinubkob na lungsod ng Mariupol kasabay ng kanyang muling pag-apela para sa isang totoong ligtas na humanitarian corridors upang payagan ang paglikas ng mga residente.

Muli ay hindi ginamit ni Pope Francis ang pangalan ng bansang Russia sa kanyang naging pahayag ngunit batay sa kanyang napiling mga salita ay tila kinokondena nito ang mga pangangatwiran ng Moscow para sa naturang pagsalakay.