Bahagyang nagkakaroon na ng improvements ang lagay ng kalusugan ni Pope Francis.
Ayon sa Vatican, tuloy-tuloy ang kaniyang therapy ganun din ang respiratory at motor phsiotherapy.
Nitong araw ng Linggo ay sumunod ito sa Spiritual Exercises ng Roman Curia sa pamamagitan ng video link mula sa Gemelli Hospital.
Personal din itong binisita ni Cardinal Secretary of State Pietro Parolin at si Archbishop Edgar Pena Parra ang Subtitute for the Secretariat.
Dumalo din ang 88-anyos na Santo Papa ng misa na ginanap sa chapel ng nasabing pagamutan.
Sumusunod na rin ito diyeta na inirekomenda ng mga doctor kabilang na ang solid foods.
Bagamat gumaganda na ang lagay ng kalusugan ng Santo Papa ay nananatili pa ring nakabantay ang mga doctor nito.
Tuloy-tuloy din ang nagaganap na vigil sa Vatican ganun ang pagbisita ng mga mananampalataya sa harap ng pagamutan na nagdadala sila ng mga bulaklak para sa mabilis na paggaling ng Santo Papa.