Itinalaga ni Pope Francis si Claretian Fr. Elias Ayuban Jr, bilang bagong bishop ng Cubao sa Quezon City.
Siya ang magiging unang missionary priest na itatalaga sa puwesto sa 21-taon na parokya.
Ang bishop-elect ay papalit kay Bishop Honesto Ongtioco, na nagretiro ng maabot ang mandatory retirement age sa edad na 75.
Si Ongtioco ay unang obispo ng Cubao na siyang itinalaga sa parehas na araw noong canonically itinayo ang parokya noong Agosto 2003.
Habang si Ayuban ay provincial superior ng Claretian missionaries sa mga probinsya ng Pilipinas mula pa noong 2019.
Ang kasalukuyang province structure ay kinabibilangan ng Australia, Vietnam at Myanmar.
Ang 56-anyos na si Ayuban ay ikalawang Filipino Claretian na naging obispo na ang una ay si Bishop Leo Dalmao ang kasalukuyang shepherd of the Prelature ng Isabela de Basilan.
Isinilang si Ayudan sa Parang, North Cotabato at naging religious ang profession noong Mayo 5, 1991 hanggang inordinahan itong maging pari noong Marso 9, 1996.
Nanilbihan na rin ito sa Dicastery for Institutes of Consecrated Life and Societies of Apostolic Life.
Mayroon siyang doctorated sa canon law at nagturo sa Claretianum sa Rome.
Mula pa noong 2022 ay nagsilbi ito bilang co-chairperson ng Conference of Major Superiors in the Philippines (CMSP).