-- Advertisements --

Nagpapakita ng bahagyang improvements ang lagay ng kalusugan ni Pope Francis.

Ayon sa Holy See Press Office, na kumpara noong mga nagdaang mga linggo ay may bahagyang improvements na ang motor at respiratory functions ng 88-anyos na Santo Papa.

Binawasan na rin ang paggamit nito ng non-invasive mechanical ventilation sa gabi at high-flow oxygen therapy naman sa umaga.

Sa kaniyang pagtulog nitong nakaraang gabi ay hindi na kinailangan na gumamit ng mechanical ventilation at sa halip ay umasa na lamang sila sa high-flow oxygen.

Kahit na bumutii ang kalagayan ng Santo Papa ay patuloy ang pagbabantay na ginagawa ng kaniyang doctor.

Lumahok din ang Argentinian Pope sa mga pagdarasal at ilang mga magaan na trabaho.

Mahigpit din nito ng sinusunod ang diyeta kung saan pinayagan na siyang kumain ng mga solid food.

Magugunitang noong Pebrereo 14 ng itakbo ang Santo Papa sa Gemelli Hospital sa Rome dahil sa pneumonia sa magkabilang baga.