Umapela si Pope Francis sa mga military leader ng Myanmar na payagang makarating ang mga tulong sa mga tao na apektado ng kaguluhan.
Sa kaniyang lingguhang mensahe sa St. Peter’s Square, nais itong iparating ang mga naisambit sa kaniya ng mga obispo sa Myanmar.
Nakakasakit aniyang tignan na ilang libong katao ang nakaranas ng paghihirap at marami ang namamatay dahil sa kagutuman.
Sinuportahan nito ang apela ng mga obispo sa Myanmar na kung maaari ay payagan ang mga humanitarian corridors para mabigyan ng tulong ang mga nawalan ng tirahan.
Nararapat din aniya na irespeto nila ang mga simbahan, pagodas, monasteryo, mosques, templo, paaralan at pagamutan bilang neutral na lugar ng mga refugee.
Magugunitang inagaw ng militar ang pamumuno sa gobyerno at ikinulong ang lider ng Myanmar na si Aung San Suu-kyi dahil umano sa dayaan sa halalan.