-- Advertisements --

Pinangunahan ni Pope Francis ang pagdarasal para sa kapayapaan sa Ukraine.

Sa kaniyang linguhang Angelus prayer sa St. Peters’ Square sa Vatican, sinabi nito na lubhang nakakabahala ang mga pangyayari sa Ukraine.

Nanawagan ito sa mga pulitiko doon na dapat maging prioridad ang kapayapaan para sa kapakanan ng kanilang mamamayan.

Hind lamang ito ang unang beses na nanawagan ng pagdarasal ang Santo Papa dahil noong nakaraang mga buwan isinagawa na rin niya ang panawagan ng pagdarasal para hindi na ituloy ng Russia ang tangkang paglusob nito.

Magugunitang naglagay ng 100,000 mga sundalo ang Russia sa border nila ng Ukraine subalit itinanggi nito na hindi sila lulusob.