-- Advertisements --
Muling nanawagan si Pope Francis ng agarang tigil putukan sa Lebanon dahil sa matinding tensyon sa pagitan ng Israel at Hezbollah.
Isinagawa ng Santo Papa ang panawagan sa kaniyang misa sa King Baudouin stadium sa Brussels, Belgium na dinaluhan ng mahigit 40,000 katao.
Sinabi nito na ang Lebanon ay mensahe subalit ito ay nakakabahalang mensahe dahil sa may makapaminsalang epekto nito sa populasyon.
Tinawag din nito ng immoral ang ginagawang walang humpay na airstrike ng Israel sa Gaza.
Magugunitang makailang ulit ng nanawagan ang 87-anyos na Santo Papa ng kapayapaan sa Middle East at ang pagpapalaya ng mga bihag ng Hamas sa Gaza.