-- Advertisements --

Muling kinondena ni Santo Papa Francisco ang ginagawang pananalakay ng Russia sa Ukraine.

Ipinahayag niya ito sa pagtatapos ng kaniyang Angelus prayer sa Saint Peter’s Square kasabay ng kanyang paggunita sa pagsisimula ng malupit at walang kabuluhang digmaan sa pagitan ng dalawang bansa.

Ayon pa kay Pope Francis, ang nagaganap daw na “barbarous act” at kalapastanganang gawain dito ay hindi lamang sinisira ang kasalukuyan kundi pati na rin ang kinabukasan ng lipunan na magdudulot naman ng malubhang trauma sa bawat isa lalo na sa mga inosenteng kabataan.

Muli ay nanawagan ang santo papa na tuldukan na ang kaguluhan at patayan sa Ukraine para sa isang mapayapang kinabukasan para sa lahat.