Muling nadapa ang 88 taong gulang na si Pope Francis, na nagresulta ng isang pasa sa kanyang kanang braso, ngunit walang nabanggit na bali.
Kinumpirma ng Vatican na sa Santa Marta residence nangyari ang insidente kung saan madalas tumira si Pope Francis. Bilang pag-iingat, ipinasok ang kanyang braso sa isang sling.
Ang pagkadapà na ito ay kasunod ng isa pang insidente noong Disyembre ng nakaraang taon, kung saan nasaktan ang kanyang baba matapos tumama sa nightstand nang siya’y madapa.
Maaalalang si Pope Francis ay may mga iniindang health problems, kabilang ang chronic bronchitis at mga sakit sa tuhod, kaya’t madalas siyang gumamit ng wheelchair, walker, o tungkod. Sa kabila ng mga pagsubok na ito, paulit-ulit na sinabi ni Pope Francis na wala siyang planong magbitiw.
Kaugnay nito noong 2013 sa kaparehong dahilan sa kalusugan ay nagbitiw si Pope Benedict XVI.
Ngunit patuloy naman na ginagampanan ni Pope Francis ang kanyang mga tungkulin, at sa kanyang pinakabagong autobiography na ‘Hope’, muling ipinahayag ang kanyang dedikasyon sa kanyang papacy sa kabila ng mga pagsubok sa kalusugan.