-- Advertisements --

Patuloy ang pagpapagaling ni Pope Francis sa matapos na ito ay ma-diagnosed ng pneumonia sa magkabilang baga.

Ayon sa Vatican, nakakakain naman ito ay nakakatayo mula sa kaniyang kama para umupo sa silya.

Matapos ang pamamahinga at nagdarasal at nagbabasa ng mga mensahe ang 88-anyos na Santo Papa.

Dagdag pa ng Vatican na kahit na mayroong pneumonia ang Santo Papa ay gumaganda naman ang lagay ng kaniyang kalusugan.

Nanawagan din ang Vatican na ipagpatuloy ang pagdarasal para sa mabilis na paggaling ng Santo Papa.

Magugunitang noong nakaraang pang linggo ng dalhin sa pagamutan ang 88-anyos na Argentinian pope matapos na dumanas ng bronchitis.