Humingi ng kapatawaran si Pope Francis sa ngalan ng Simbahang Katolika para sa maling pagtrato sa mga Roma people.
Ginawa ng Catholic pontiff ang pahayag sa huling event ng kanyang tatlong araw na pananatili sa Romania.
“It is weighed down by the many experiences of discrimination, segregation and mistreatment experienced by your communities. History tells us that Christians too, including Catholics, are not strangers to such evil,” wika ng Santo Papa.
“I would like to ask your forgiveness for this. I ask forgiveness – in the name of the Church and of the Lord – and I ask forgiveness of you. For all those times in history when we have discriminated, mistreated or looked askance at you.”
Sa loob ng ilang siglo ay naharap sa pang-uusig ang mga Roma people, na tinatayang may populasyon na 10 hanggang 12-milyon.
Sila rin ang itinuturing na pinakamalaking ethnic minority sa Europe, at binubuo nila ang 10% ng kabuuang populasyon ng Romania.
Ang pulong sa mga Roma ay naganap matapos ang isang seremonya sa Blaj kung saan na-beatify ang pitong mga opispo na ikinulong at pinahirapan noong Communist rule sa nasabing bansa.
Ikinulong ng mga otoridad ang nasabing mga indibidwal noong 1948 dahil sa pagtataksil makaraang tumanggi ang mga ito na magpa-convert sa Orthodox Christianity.
Namatay ang pito habang nasa piitan at inilibing nang palihim. (Reuters/ BBC)