-- Advertisements --
Humingi ng paumanhin si Pope Francis dahil sa mga negatibo at masamang salita na kaniyang binitawan laban sa mga LGBT.
Nangyari umano ang insidente sa pulong niya sa mga obispo.
Sa closed-door meeting aniya noong nakaraang linggo ay sinabihan niya ang mga Italian bishops na hindi dapat payagan na maging pari ang mga gay.
Ayon sa Vatican, na hindi intensiyon ng 87-anyos na Santo Papa na makasakit ng damdamin at makapagbitiw ng mga masasakit na salita.
Ipinaabot niya ang kaniyang paumanhin sa mga lahat ng mga nasaktan ng kaniyang pananalita.
Noon pang 2005 ng ipinatupad ng Vatican ang pagbabawal na ma-ordinahan ang mga lalaki na active gay o mayroon “deep-seated” homosexual tendencies at binago ito ni Pope Francis noong 2016.