-- Advertisements --
Nagbabala si Pope Francis sa mamamayan ng mga bansang nagpatupad na ng kaluwagan sa ipinapatupad na lockdown dahil sa coronavirus.
Sinabi ng Santo Papa, na hindi pa dapat magdiwang mga tao dahil hindi pa tuluyang nasasawata ang COVID-19.
Dapat pa rin aniya na sumunod ang mga tao sa kautusan na ipinapatupad ng mga gobyerno.
Hindi rin nito maiwasang ilabas ang pagkadismaya dahil sa dami ng kinitil na buhay ang nasabing virus.
Nauna rito isa ang Italy sa mga bansa na bahagyang pinaluwag ang ipinapatupad na lockdown.