Kinumpirma ng Holy See Press Office na naging maayos ang ika-10 araw na pananatili ni Pope Francis sa Gemelli Hospital sa Rome, kung saan ito nagpapagamot ng double pneumonia.
‘The night went well; the Pope slept and is resting,’ pahayag ng Holy See.
Noong Linggo ng gabi, sa ibinigay na update ng Holy See sa publiko ay patuloy na nasa kritikal ang kondisyon ng santo papa ngunit ‘wala daw naman itong nararanasang respiratory crises simula noong Sabado ng umaga.
Samantala nakatanggap narin si Pope Francis ng blood transfusions para mapataas ang kaniyang hemoglobin levels.
‘The thrombocytopenia remains stable; however, some blood tests show early, mild renal insufficiency, which is currently under control,’ dagdag na pahayag ng Holy See.
‘High-flow oxygen therapy continues through nasal cannulas,’ ani pa ng pahayagan.
Nababatid na kahapon ay nakibahagi si Pope Francis sa isinagawang Misa sa kaniyang apartment sa Gemelli Hospital kasama ang kanyang doctor at nurse na nag-aalaga sa santo papa.