Nagsagawa si Pope Francis ng pambihirang Urbi et Orbi (to Rome and to the world) blessings sa gitna nang pananalasa ng coronavirus disease 2019 o COVID-19.
Isinagawa ito sa isang bakante at walang katao-taong St. Peter’s Square sa Vatican na kadalasang punong-puno ng mga deboto at mga turista.
Sa kaniyang pagdarasal na sinabayan pa ng pag-ulan, nanalangin ito sa Panginoon na bendisyunan ang buong mundo.
Sinabi nito na mahina ang paniniwala ng tao at sila ay natatakot kaya hiniling nito sa Diyos na huwag tayong iiwan sa kinakaharap na delubyo.
Samantala, makahulugan naman na nagbalik tanaw ang Pope bilang meditation sa ilang pangyayari sa bibliya nang makaranas ang kanyang mga disipulo ng kawalang makita sa paligid.
“In the midst of isolation when we are suffering from a lack of tenderness and chances to meet up, and we experience the loss of so many things, let us once again listen to the proclamation that saves us: he is risen and is living by our side,” ani Santo Papa.
Sa kabila aniya nang nararanasan ngayon ng mundo pinalakas ng Santo Papa ang loob ng mga Kristiyano na ‘wag mawalan ng pag-asa.
“It’s a time to get our lives back on track with regard to you, Lord, and to others.”
Isinagawa ni Pope Francis ang kakaibang pagbendisyon na tradisyon ay tuwing Christmas at Easter Sunday ay makulay na isinasagawa pero ang kakatwa ngayon ang Italya ay ang pinakamatinding tinamaan ng virus.
Liban nito, nasa kalagitnaan din ngayon ang mga Katoliko ng kanilang penitential season of Lent kung saan nalalapit na ang Holy Week.
“Dear brothers and sisters, from this place that tells of Peter’s rock-solid faith, I would like this evening to entrust all of you to the Lord, through the intercession of Mary, Health of the People and Star of the stormy Sea. From this colonnade that embraces Rome and the whole world, may God’s blessing come down upon you as a consoling embrace. Lord, may you bless the world, give health to our bodies and comfort our hearts. You ask us not to be afraid. Yet our faith is weak and we are fearful. But you, Lord, will not leave us at the mercy of the storm. Tell us again: ‘Do not be afraid’ (Mt 28:5). And we, together with Peter, ‘cast all our anxieties onto you, for you care about us’ (cf. 1Pet 5:7).”
Kung maalala una nang sumailalim din sa pagsusuri sa kanyang kalusugan ang Santo Papa at nagnegatibo naman ito sa COVID-19.
Ang mensahe naman ng Santo Papa at pagbibigay blessing ay naganap, Sabado, dakong ala-una ng madaling araw oras sa Pilipinas ay dinala sa pamamagitan ng modernong kumunikasyon kasama na ang Facebook, YouTube, TV at radio.