-- Advertisements --
Nagpaabot ng pakikiramay si Pope Francis sa mga biktma ng pag-aatake sa Waukesha, Wisconsin na ikinasawi ng limang katao at ikinasugat ng mahigit 20 iba pa.
Ayon sa Roman Catholic bishop ng Milwaukee na labis siyang nalungkot sa pangyayari.
Kasama aniya siya sa panalangin ng pamilya ng biktima na mabigyan sila ng lakas ng loob.
Magugunitang sinagasaan ng suspek na si Darrell Brooks, 39-anyos ang mga nagsasagawa ng Christmas parade sa nasabing lugar.
Sinampahan na ng kaso si Brooks ng five counts of first-degree homicide.