-- Advertisements --
Patuloy ang pagbuti ng kalagayan ni Pope Francis sa paglaban nito ng pneumonia.
Ayon sa Vatican, nagkaroon na ng improvements ang kaniyang kidney.
Bagamat hindi na ito nagkakaroon ng problema sa paghinga ay nakalagay pa rin ang kaniyang oxygen.
Nakakausap umano ito ng mga Vatican staff at normal ito ng nakakain.
Ito na ang pang-13 na araw na pananatili ng 88-anyos na Argentinian Pope sa ospital na siyang pinakamatagal na pananatili nito sa pagamutan mula ng umupo siya sa puwesto ng 12 taon ang nakakalipas.
Ilang daan katao rin ang dumadalo sa prayer vigil sa St. Peter’s Square para magbigay ng pagdarasal sa mabilisang paggaling ng Santo Papa.