Nagpakita ngayon si Pope Francis ng magandang improvement sa kaniyang kalusugan matapos na maospital ng ilang Linggo.
Ayon kay Dr. Sergio Alfieri, matapos nilang bisitahin ang Santo Papa sa tahnan nito noong Miyerkules, na siyang tatalong arw nang nakalipas mula ng pagkakadischarge nito sa ospital, pinaniniwalaan ngayon na manunumbalik ang natural na lakas ng Snato Papa sa mga sususnod na araw.
Paliwanag ng doktor, nababawi na ni paope Francis ang lakas nito magsalita at maging ang pagiging dependent nito sa supplemental oxygen ay nabawasan na rin habang ang mobility naman ng kaniyang braso bunsod sa naging unspecified trauma bago pa man maospital ang Santo Papa ay nangangailangan ng mas mahabang panahon pa para tuluyan itong bumalik.
Samantala, aminado naman si Alfieri na natatakot siya noong una na maaaring hindi na kayanin ni Pope Francis matapos na madiagnosed ito ng isang severe respiratory crisis.
Sa ngayon ay patuloy na sumasailalim sa gamutan ang Santo Papa na maaari pa ring magtagal ng ilang buwan habang sumasailalim naman sa mga therapy si Pope Francis para unti-unting maibalik sa dating lakas nito.