Magpapatupad ng bagong anti-corruption ruilng si Pope Francis.
Lahat ng mga senior managers at administrators sa Holy See, central governing body ng Catholic Church, ay dapat ideklara nila na wala silang kinakaharap na kaso o sila ay iniimbestigahan sa kurapsyon, terrorism o pang momolestiya sa mga menor de edad.
Pagbabawalan din ang mga ito sa pagsali sa anumang investment habang ang mga empleyado ng Vatican ay hindi na tatanggap ng mga work-related na regalo na nagkakahalaga ng mahigit ng $48.
Mula ng manunkulan ang Santo Papa noong 2013 ay tiniyak nito ang paglaban sa kurapsyon.
Ilang libong accounts na rin isinara niya at tinanggal na rin nito ang ilang matataas na opisyal ng Vatican na sangkot sa anumalya.
Sa bagong panuntunan ay kailangan din nilang ideklara ang kanilang mga assets mula sa mga legal sources.