-- Advertisements --

Nakita sa unang pagkakataon na nakasuot ng face mask si Pope Francis.

Inalis naman ng Santo Papa ang kaniyang face mask ng makisalamuha sa mga tao sa Apostolic Palace sa Vatican.

Gaya ng kaniyang nakagawian ay hinahalikan niya ang mga batang nakikita sa lugar.

Gumagamit naman si Santo Papa ng sanitizers na iniaabot sa kaniya ng kaniyang assistant.

Paliwanag naman ng Vatican na hirap makahinga ang 83-anyos na Santo Papa kapag nagsusuot ng face mask kaya kaniyang tinatanggal niya ang mga ito.