Itinalaga ngayon ni Pope Francis si Bishop Broderick Pabillo bilang Apostolic Administrator ng Archdiocese of Manila.
Kadalasang nagtatalaga ang Vatican ng apostolic administrator upang temporaryong hawakan ang isang diocese sa tuwing ito’y nababakante.
Pansamantalang pangangasiwaan ni Pabillo ang diocese hanggang sa makahanap na ang Santo Papa ng permanenteng uupo sa puwesto.
“The Holy Father Pope Francis has appointed His Excellency Bishop Broderick S. Pabillo as the Apostolic Administrator of the Archdiocese of Manila,” saad sa abiso.
“He will be mentioned in all Masses at the Eucharistic Prayer, ‘and Broderick our Administrator; (Tag.) at ni Broderick na aming Tagapangasiwa,” dagdag nito.
Matatandaang idineklarang sede vacante ang Archdiocese of Manila makaraang italaga si Luis Antonio Cardinal Tagle bilang prefect of the Congregation for the Evangelization of Peoples sa Vatican.
Ang 64-anyos na si Pabillo ay tumatayong auxiliary bishop ng Maynila mula pa noong Mayo 2006.