CEBU CITY – Nagtalaga si Pope Francis ng isang bagong auxiliary bishop ng Cebu.
Ayon sa Vatican naordinahan bilang obispo si Msgr. Ruben Labajo, na kasalukuyang vicar general ng Archdiocese of Cebu, kasunod ng kanyang appointment.
Sa kanyang pagkakatalaga, tutulungan ni Labajo si Arsobispo Jose Palma bilang chief shepherd of the archdiocese.
Natapos ni Labajo ang kanyang pag-aaral na pilosopiya at teolohiya sa San Carlos Seminary College sa Cebu at inordenahan noong Hunyo 10, 1994.
Naglingkod siya bilang parish vicar sa Mandaue City mula 1995 hanggang 1997, pastor ng Santa Fe Parish sa Bantayan Island at moderator sa parokya ni St. Joseph sa Talisay’s Tabunok village.
Nagsilbi rin si Labajo bilang moderator ng Cebu Metropolitan Cathedral at vicar forane ng Vicariate of the Most Holy Rosary mula 2014 hanggang 2019.
Noong 2020, ang hinirang na obispo ay naitalaga na vicar general at moderator ng St. Francis Assisi Parish sa bayan ng Balamban.
Sa kanyang pagkakatalaga, lubos ang pasasalamat ni Most Rev. Labajo sa ibinigay na tiwala sa kanya ni Pope Francis at ni Papal Nuncio to the Philippines Most Rev Charles Brown.