-- Advertisements --

Itinalaga ni Pope Francis si Monsignor Rafael T. Cruz bilang bagong obispo ng Diocese of Baguio.

Ayon sa Vatican na papalitan ni Cruz si Archbishop Victor Bendico na itinalaga ngayon sa Archdiocese ng Capiz.

Si Cruz ay parish priest ng Saint Ildephonse sa bayan ng Malasiqui sa lalawigang ng Pangasinan at siya rin ang vicar forane.

Siya ngayon ang magiging pangatlong obispo ng diocese.

Nanawagan naman si Rev. Father Roland Buyagan, ang Diocesan administrator ng Baguio sa mga parishioner na ipagdasal ang bagong obispo nila.