-- Advertisements --

Nagtalaga si Pope Francis ng bagong arsobispo ng Diocese ng Gumaca sa probinsiya ng Quezon.

Ayon sa Holy See Press Office na napiling italaga sa nasabing parokya si Reverend Fr. Euginius L. Cañete.

Si Canete ay kasalukuyang coordinator general ng Missionaries of Jesus.

Isinilang noong Hulyo 8, 1966 sa Liloan, Cebu kung saan nag-aral ito ng psychology sa Maryshore Major Seminary at sa La Salle College sa Bacolod City.

Nagtapos naman ito ng philosophy at theology sa Maryhill School of Theology at nakatanggap ng licentiate sa canon law mula sa Pontifical Gregorian University ng Rome.

Nakatanggap ito ng priestly ordination noong Disyembre 18, 1995.

Naging bakante kasi ang posisyon mula ng pumanaw si Bishop Victor Ocampo noong Marso 2023.