-- Advertisements --

Itinalaga ni Pope Francis si Monsignor Arnaldo Catalan ng Archdiocese of Manila bilang kaniyang representative sa Rwanda.

Ang 55-anyos na si Catalan ay nagtrabaho sa Diplomatic Service of the Holy See sa loob ng 20 taon.

Mula pa noong 2019 ay siya na ang Chargé d’affaires of the Apostolic Nunciature sa China.

Pinuri naman ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang pagkakatalaga ni Catalan na itinuturing nitong isang regalo at karangalan na maikokonsidera.

Tiniyak ni Advincula na kanilang ibibigay ang suporta sa kaniya.