-- Advertisements --
Nanawagan na si Pope Francis ng imbestigasyon para malaman na isang genocide ang ginagawang pag-atake ng Israel sa Gaza.
Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nanawagan ang Santo Papa ng imbestigasyon mula ng simulan ng Israel ang pag-atake sa Gaza.
Sinabi nito na lumagpas na sa umiiral na rules of war ang ginagawa ng Israel sa pag-atake sa Gaza at Lebanon dahil sa marami na ang nasasawi.
Magugunitang noong nakaraang taon ay nakasalamuha ng Santo Papa ang mga kaanak ng mga bihag ng Israel sa Gaza at mga Palestino.