-- Advertisements --
Tiniyak ni Pope Francis na kaniyang bibisitahin ang Lebanon at South Sudan hanggang sa makakaya niya.
Ang dalawang bansa aniya ay kabilang sa nabanggit ng Santo Papa sa kaniyang Christmas message dahil ang mga ito ay humaharap sa labis na kahirapan.
Magugunitang 200 katao ang nasawi sa naganap na pagsabog sa port ng Lebanon.
Umaasa ito na mareresolba na ang nasabing kaguluhan.
Nais din niyang matigil ang kaguluhan sa South Sudan kung saan bumuo ng national unity government ang mga kontra sa gobyerno.
Nauna rito nakatakdang bumisita ang Santo Papa sa Iraq sa darating na March 5-8.