-- Advertisements --
Nakabalik na sa Vatican si Pope Francis matapos ang 10 araw na pananatili sa pagamutan.
Sinabi Vatican spokesperson Matteo Bruni na pinayagan na ito ng doctor ng Santo Papa dahil sa bumuti na ang kaniyang kalusugan mula ng operahan sa colon diverticulitis.
Dagdag pa nito na bago makabalik sa Vatican ay dumaan pa ito sa Basilica of Saint Mary Major sa harap ng icon of the Virgin Mary Salus Populi Romani at doon nag-alay ng dasal dahi sa tagumpay ng kaniyang operasyon.
Nauna rito pinangunahan ng Santo Papa ang lingguhang Angelus prayer habang naka-confines sa Gemelli University Hospital sa Rome.