-- Advertisements --

Patuloy ang pagbuti ng lagay ng kalusugan ni Pope Francis.

Ayon sa Vatican, na nakakahinga na ito kahit wala ng tulong ng oxygen.

Binawasan na rin ng 88-anyos ang paglalagay ng oxygen mask tuwing araw.

Ginugol nito ang buong araw sa physiotherapy, pagdarasal, pahinga at ilang trabaho sa Vatican.

Magugunitang noong Pebero 14 ng itakbo sa Gemelli Hospital ang Santo Papa dahil sa pneumonia sa dalawang baga nito.

Nitong araw ng linggo ng naglabas ang Vatican ng kauna-unahang larawan nito mula ng maospital.

Pinasalamatan din ng Santo Papa ang mga patuloy na nagpapaabot ng kanilang pagdarasal para sa mabilis na paggaling nito.