Agad na nakapulong ni Pope Francis pagdating nito sa Jakarta Indonesia ang mga refugee mula sa Jesuit Refugee Service.
Ang mga bata doon ay inaalagaan ng mga Dominican sisters.
Kasama rin na nakapulong ng Santo Papa ang mga may edad at mga homeless na inalalayan ng Indonesian Community of Sant’Egidio.
Nasa Indonesia ang Santo Papa bilang pagsisimula ng kaniyang ika-45 Apostolic Journey sa Asya at Oceania.
Maituturing na ito na ang kaniyang pinakamahaba at pinakamatagal na biyahe mula ng maupo sa puwesto.
Ilan sa mga bibisitahin nito ay ang Papua New Genuia, Timor Leste at Singapore sa loob ng 10 araw na pagbisita nito.
Inaasahan na makakasalamuha nito ang mga opisyal ng nasabing mga bansa at magkakaroon din ito ng misa sa bawat bansa.
Magugunitang sa pagdating nito sa Indonesia nitong araw ng Martes ay naging mainit ang pagsalubong sa kaniya ng mga mamamayan.
Sinalubong siya ng mga religious affairs minister, ambassador to the Vatican at ilang obispo sa nasabing bansa.
Ang Indonesia na Muslim-majority na bansa ay mayroong 3 percent lamang dito ay katolika.
Sinabi ni Indonesian President Joko Widodo na matagal na nilang inimbitahan ang Santo Papa kaya dumaan ang COVID-19 pandemic kaya ito ay naantala ng ilang taon.
Kasaman naman ni Santo Papa sa nasabing pagbisita sa mga bansa si Cardinal Luis Antonio Tagle ang Pro-Prefect for the Section of Evangelization of Dicastery for Evangelization.
Binisita ni Tagle ang Carolus Hospital sa Indonesia kung saan nagsagawa ito ng misa at ipinagdasal ang mga nandoon na may sakit ganun din ang mga health workers.