-- Advertisements --

Nakiisa na rin ang Pope Francis ang pinaka mataas na lider ng Simbahang Katoliko sa global vaccination campaign laban sa nakamamatay na virus ang Covid-19.


Nitong Sabado, mismong si Queen Elizabeth ng Great Britain at ang asawa nitong si Prince Philip ay binakunahan na ng Covid-19 vaccine, kahapon bagay na kinumpirma mismo ng Buckingham Palace.

Ito’y matapos nalagpasan ng United Kingdom ang nasa mahigit tatlong milyong kaso ng Covid-19 cases.

Sa ngayon, higit 1.5 million katao sa Britanya ang nabakunahan na at tinaguriang “biggest immunization” program.

Nitong Sabado, hinimok ng Santo Papa ang sambayanan na magpakabuna bilang panangga sa coronavirus na sa ngayon may ibat ibang variant ng virus ang na-detect.

Ibinunyag din ni Pope Francis na posible sa susunod na Linggo siya ay babakunahan kapag sinimulan na rin ng Vatican ang kanilang kampanya.

“There is a suicidal denial which I cannot explain, but today we have to get vaccinated,” pahayag ng Santo Papa sa isang panayam na nakatakdang i broadcast ngayong araw,Linggo. (AFP)