-- Advertisements --
Ikinalungkot ni Pope Francis ang patuloy na nagaganap na kaguluhan sa Holy Land dahil sa labanan ng Israel at Hamas.
Sa kaniyang misa sa Bisperas ng Pasko, sinabi nito na nakakalungkot na nadamay ang Betlehem ang lungsod kung saan isinilang si Hesus Kristo.
Hiniling din nito sa mananampalataya ang pagdarasal para sa pangkalahatan at ng tuluyan ng matigil ang kaguluhan sa nasabing lugar.
Magugunitang palagiang nananawagan ang Santo Papa ng tigil putukan sa pagitan ng Hamas at Israel dahil sa dami na ng taong nagdadamay.