-- Advertisements --
Ikinalungkot ni Pope Francis ang pagkakadiskubre ng 215 kabataan sa dating residential school para sa mga mahihirap na kabataan sa Kamloops, Canada.
Sa kaniyang talumpati sa St. Peter’ Square sinabi nito na kaniyang ipagdarasal at nakikiisa ito sa mga mamamayan ng Canada dahil sa nakakagulat na balita.
Hinikayat nito ang mga politiko at mga lider ng simbahan na magtulungan para malaman ang tunay na pangyayari.
Magugunitang nadiskubre ang mass grave ng 215 na mga kabataan sa Kamloops Indian residential schools na pinapatakbo ng gobyerno at ilang Christian Churches.
Naging operational ito mula 1890 at 1969 hanggang ito ay tuluyang nagsara noong 1978.