Kinumpirma ngayon ng Vatican na ang ikinamatay ni Pope Francis ay dahil sa stroke at irreversible heart failure.
Ayon sa Vatican na ang nasabing sakit ay bunsod ng kaniyang double pneumonia na naranasan.
Sinabi ni Dr. Andrea Arcangeli, the Director of the Directorate of Health and Hygiene of the Vatican City State, na matapos ang stroke ay nasundan ng coma at irreversible cardiocirculatory collapse.
Nakasaad din sa official medical report nito na mayroon ng kasaysayan ang Santo Papa ng acute respiratory failure bunsod ng multimicrobial bilateral pneumonia, multiple bronchiectases, high blood pressure, at Type II diabetes.
Ang kaniyang kamatayan ay kinumpirma sa pamamagitan ng electrocardiographic thanatography.
Magugunitang nitong umaga ng Lunes sa Vatican ng ianunsiyo ni Cardinal Kevin Farrel ang pagpanaw ng 88-anyos na Santo Papa.
Dahil dito ay si Farrell muna ang tatawaging “camerlengo” ang tao na magpapatakbo ng Vatican dahil sa pagpanaw o pagbibitiw ng isang Santo Papa.
Siya ang mamamahala hanggang mayroong mapiling bagong Santo Papa.
Ang Dublin-born na si Farrell ay siyang mangunguna sa paglagay ng bangkay ng Santo Papa sa kabaong at pangungunahan niya ang “rite of the confirmation of death”.
Si Farrell ay itinalagang Obispo ng Dallas noong 2007 bago tawagin siya ni Pope Francis na magsilbi bilang lider ng bagong department ng Vatican na responsable sa pastoral care ng pamilya at itataguyod iyang bilang rank of cardinal.
Taong 2019 ng italaga siya ng Santo Papa bilang Camerlengo ng Roman Catholic Church.